Buti pa ang unan ko...
Nakakatibi ko sa pagtulog...
Buti pa ang baso...
Nadadampian ng aking labi lagi...
Buti pa ang ballpen ko...
Lagi kong hawak saan man ako mapunta...
Buti pa ang earphones ko...
Pinapawi ang kalungkutan ko sa pagbulong niya...
Buti pa ang Saturn...
Nakikita ko kapag gusto ko...
Nakikita ng iba kung gugustuhin...
Kahit na malayo, kita pa rin...
Pero ikaw, di ko mayakap
Kasi hindi pwede, makikita nila
Ikaw, di ko malambing
Hindi pwede, malalaman nila ang totoo
Hindi kita makausap ng maayos
Kasi mahahalata nila ang tamis na pumapalibot
Hindi na kita pwede puntahan...
Hindi din pwede makita ng madalas...
Pinagbawal na nila, pero gagawa ako ng paraan
Sa ngayon, si Saturn nalang muna ang titignan ko
Dahil kita ko pa siya, umaasa pa ako
Na bandang huli maayos din lahat
Magagawa kong pagsigawan sa mundo
Na mahal kita at mahal mo din ako
Na pwede pala yung isang pangarap
Buti pa tayo, nagmamahalan ng totoo
//comments please. :)
//creative silences and imaginations. :)
Tuesday, March 30
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment