Saturday, August 17

Naudlot

Dalawang puso
Parehong nasiyahan, parehong nasugatan
Dalawang puso
Dati nag-ibigan, ngayo'y 'di na magkaalaman
Kung ano ba ang itatawag sa bawat isa
Dahil ngayo'y napakalabo na
Ng estado nilang dalawa

Minsan 'di lang pag-ibig ang nauudlot
Sa dalawang pusong nasugatan
Minsan pati pagkakaibigan ay 'di naibabalik
Dahil mismo tao sa paligid nila
'Di pa matapos ang paniniwala sa magandang katapusan
Na siyang naghatol ng habambuhay na ending
Sa dalawang pusong ngayon nagnanais maging bati