Ngayon naman hayaan niyong ako ang maghatol kung tama ngang nanalo ito ng Pre-Colombian Bronze award sa 28th Bogota International Film Festival.
Simulan natin sa pamagat ng palabas. Kakaibang pamagat ang ginamit ng mga lumikha para sa masterpiece na ito. Agad na magtataka kung tungkol saan ang palabas na ito. Sayaw ng dalawang paa? Nakakapagtaka kaya maiintriga kang malaman ang istorya ng palabas na ito. Nais lang naman ipakita ng mga direktor kung maari nga bang dalawang kaliwang paa ang sumayaw ng maganda at nakaka-impress. Dalawang kaliwang paa kasi karaniwang ang lalaki ang siya unang hahakbang sa isang sayaw at ang gamit niya ay ang kanyang kaliwang paa.
Ngayon alam na natin kung bakit ganon ang pamagat, talakayin naman natin ang ang paksang gustong talakayin ng may-akda. Nais iparating ng movie na ito na hindi ito ang pangkaraniwang indie movie ng dalawang lalaking magkakaroon ng relasyon sa simula, gitna, o sa katapusan ng palabas. Hindi ito isang pang gay film kung saan may laman tayong mamalasin habang nanunood tayo sa isang movie house. Sakto lang ang “kabadingan” ng pelikulang ito kung tama man iyon sabihin.
Dumako naman tayo sa istorya mismo. Kakaiba din ang istoryang ito dahil akala ko’y isa itong student-teacher relationship kung saan may sayaw na nakakakilig si Karen at Marlon. Akala ko rin ay mayroon lang selosong Dennis na susulyap-sulyap habang sasayaw ang dalawang nabanggit ko at sisira pa sa “pag-iibigan” ng dalawa. Ngunit hindi pala ganon ang plot ng akdang ito. Hindi ko inaasahang magiging iba ang takbo ng storya. Akalain mong hindi pala matutuloy ang relasyong Marlon at Karen o isa ito sa mga kakaibang love triangle. Hindi nailahad ng akda kung ano nga ba ang relasyon ni Marlon at Dennis, kung deds na deds ba si Dennis kay Marlon. Kakaiba ang mga eksenang aking nasasaksihan dahil ang kadalasang eksena sa chick-flick movies na napapanood ko kung saan magkakatitigan ang magkaibang kasarian ay nakita ko kay Dennis at Marlon. Ang pagtatabi nila sa sahig na tila nakatingin sa ulap at nangagarap pagtapos ng kanilang ensayo ay nakakagambala para sa manood ko na alam ay nangyayari iyon sa opposite sex. Ang yakapan nilang tila may bumabalot na tamis ay kakaiba din dahil tila bang magkaiba sila ng oryentasyon pagdating sa kasarian. Ang tulo ng luha na nagsilbing panapos na imahe sa manunuod ay nagbigay din ng hindi pangkaraniwang reaksyon sa akin. Hindi pangkaraniwan ang mga eksena, mga hindi mo talaga aasahan.
Pangkalahatan, masasabi ko na nagustuhan ko ang likhang ito. Pamagat palang ay parang tuksong nang-aakit at talagang nanaisin mong magkasala para malaman lang ang tinatago nitong taglay. Ang mga tunog na ginamit ay napakasarap sa tenga. Akala ko’y hindi na ako maiinlab sa musikang Pinoy ngunit nainlab muli ako. Hindi ito pelikulang may formula na alam na agad ng manunuod ang susunod na mangyayari. Gusto ko ang pelikula dahil sa mga napakaraming tanong na iniwan niya sa manood. Ang dami kong iniisip habang pinapanood ko ang pelikula at lalong napaisip ako pagkatapos nito. Tinanong ko ang aking sarili, kaya nga bang ibaba ng isa lalaki ang pride niya hayaang ang kapwa lalaki ang magturo ng sayaw at kontrolin pa siya. Kadalan kasi ay ang lalaki ang controlling at passive lamang ang kababaihan pagdating sa galaw sa sayaw.
Iniwan man akong bitin ng panapos na imahe, natuwa ako dahil nakapag-isip ako sa pelikulang ito. Gumana ang utak ko habang pinapanood ko ito at hanggang ngayon ay tanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba umiyak si Marlon sa ending. Iyak ba ito ng saya dahil tapos na ang ginagawa niya? O isa itong pagtanggap na mahal na gusto niya si Dennis? Panuoorin niyo nalang at hayaan ko kayong ang gumawa ng sarili niyong ending sa palabas na ito.
Magaling!
ReplyDelete